Monday, February 8, 2010

BAKLA BAKLA PANO KA GINAWA?










Nung isang araw nagpunta akong palengke para daanan ang tito kong nag-gugupit sa parlor. Hindi sya bading, gumugupit lang sya dun. Itatanong ko lang naman kung anong gamot binibili nya para sa arthritis.

Bumungad sa akin ang baklang nagtatrabaho sa parlor. "Wala si William eh, puntahan mo sa bahay nila". Sagot ng bading nung tinanong ko sya kung nasaan ang tito ko. "Kung gusto mo dito ka muna, dito mo na lang hintayin" pahabol ng bading sabay smile na parang nakakagago. Aba teka, bwisit tong bading na to ah. Umalis na lang ako kasi alam kong ginugudtaym lang ako ng bading na yun.

Paano nga ba nagkaroon ng mga bading sa mundo? Hindi naman sila nanganganak ah. At hindi rin nakakahawa yun na parang sakit. Hindi naman ako galit sa mga bading, at hindi rin ako Homophobic. May mga kaibigan akong bading at natutuwa ako sa kanila. Mahilig silang magpatawa at open minded sa lahat ng bagay.

Siguro naiinis lang ako pag may nakikita akong bading na may pagkaPOKPOK, i mean yung finiflirt ako o sinumang lalake. Wala naman akong masamang experience sa mga bading. Ewan ko, ansagwa lang kasing tignan. At kelanman hindi ako papatol sa bading, over my dead hunk body!!! Hehe. . .

Minsan naiinis ako pag may nakikita akong mukha namang lalake, maganda ang tindig, matipuno, sobrang astig maglakad at nakakatakot ang mukha. Pero pag titingnan ka para kang hinuhubaran. Tsk! Sarap sapakin!

Nakakainis din yung mga bading na nagdadamit babae, pormang babae at nagmamake-up na parang babae. Kahit hindi nila bagay. Yun tipong mukhang kabayo talaga at agaw pansin. Nagkalat ang ganyan sa mga fiesta, plaza, palengke at matataong lugar. Ewan ko kung bakit sila nagdadamit babae, siguro dun lang talaga sila masaya.

Ano pa man ang dahilan ng mga bading, huwag na lang natin silang husgahan. Gaya din kasi ng mga lalake at mga babae, meron din silang pakinabang, at merong wala.

Sa kultura natin ngayon, tanggap na natin ang mga third sex o homosexual. Bahala sila . . . Yun lang masasabi ko. Haha!

Thursday, February 4, 2010

SA AKING PAGTANDA










Umagang umaga . . . nagising ako sa tawag ng tatay ko, hindi pa ako nagmumumog ay inuutusan na akong pumunta ng botika para sa arthritis nya. Dalawang araw na kasing hindi makalakad ng mabuti at namamaga ang paa. Hehe.. Iba na talaga ang tumatanda. Marami ng iniindang sakit. Laging bugnutin at masungit. Samahan mo na rin ng walang sexlife kaya laging mainit ang ulo. Yan ang sintomas na nakikita ko sa tatay ko ngayon. Hahaha! Nasa abroad kasi si mama. Haaayy ambilis ng buhay. Saken kaya? Ano kaya magiging sakit ko pagtanda ko? Sana may multiple choice akong makita para makapamili ako, hehe. Syempre pipiliin ko yung hindi malala. Yung tipong parang sipon lang para hindi masakit at hindi mahal ang gamot. Hehe . . . Sabi nga nila "Young once, who are now Young once, are too scared of growing old". Sa totoo lang natatakot din ako.

Kasama sa buhay natin ang pagtanda. Dadating ang araw, ang nakikita kong gwapo sa salamin ay magiging kulubot, panot, lulutong ang mga buto, hihina ang pandinig, lalabo ang mata, may makapal na eye glasses at tatambay na lamang sa tumba tumba (rockin chair) habang ngumunguya ng nga-nga. O diba nakakatakot mangyari ng ganun? Pero siguro mas nakakatakot isipin ay yung mga tanong na Sino ang kukupkop sa akin? Ipapagamot kaya nila ako? Magiging masaya pa ba ako sa mga huling araw ng buhay ko? These are all realities na dapat nating harapin.

Buti na lamang at hindi tayo katulad ng mga dayuhan na kapag tumanda na ang kanilang magulang ay idederetso na lang nila sa Home for the Aged o ampunan. Mas maganda ang kultura nating mga Pinoy kasi family oriented talaga tayo. Pero pano kung ang mga anak natin ay magkaroon ng pamilya na hindi family oriented? Pano kung hindi sapat ang kinikita nila at magiging pabigat lang kaming matatanda? Pano kung tumira ang mga anak natin sa ibang bansa at hindi tayo pinitisyon? Pano kung akala nila nasa magandang kalagayan tayo kahit hindi naman? Pano na kaya? Haaayy

Kaya natutuwa ako pag may nakikita akong matandang inaalagaan ng pamilya nya. Mga matatandang malalakas pa rin at masasaya sa kanilang libangan na ballroom. Mga matatandang proud na irecall ang kanilang achivements. Kung pano nila iginapang sa hirap ang kanilang buhay para lamang makapagtapos ang kanilang mga anak. Kung ano sila noon at ano ang inabot nila during their active days. Kung titignan natin silang ganyan, mukhang wala naman talagang dapat ipangamba at ikatakot sa pagtanda.

Pero pano ang mga matatandang hindi nabibigyan ng pansin? Yung talagang wala ng lakas at yung mga walang nag-aalaga. Kakalungkot isipin maraming namamatay dahil sa kawalan ng suporta, at hindi dahil sa sakit o katandaan.

Pero bago pako maistress e isipin ko muna yung ngayon. Gawin ko na lang mga gusto kong gawin para sa pagtanda ko e wala akong mga regrets. Tuparin ko muna mga pangarap ko para may maipagmalaki naman ako pag matanda na ako. Alagaan ko na lang health ko para hindi ako magkaroon ng malubhang sakit at maging alagain pag mahina na ako. At hanapin ko muna ang magiging pamilya ko na syang makakasama ko sa pagtanda ko. Haaayyy . . . ang sarap pakinggan ng kantang GROW OLD WITH YOU.

Monday, February 1, 2010

AMBOT SA EMO










Sa loob ng isang maliit na kwarto, naroon ako at nakahiga, malalim ang iniisip. Madilim ang bawat sulok ng kwarto at liwanag lang mula sa aking cellphone ang nagsisilbing buhay sa aking mga mata. Pinatugtog ang peyborit kong kanta na Can you read my mind (themesong sa pelikulang Superman) at unti unting bumabalik sa aking isip ang mga masasayang nakaraan. Simple lang naman ang mamuhay dito sa probinsya, hindi gaya ng sa maynila na bawat kilos mo ay gastos. Masaya ako at nakatapos ako sa pag-aaral at nakagraduate sa kursong Nursing. Hindi nga lang ako RN. Salamat sa ina kong nasa ibang bansa at talagang sinuportahan lahat ng pangangailangan ko kaya hindi ako nagkaproblema sa pinansyal nung akoy estudyante pa lamang. Unico iho ako ngunit marami naman akong pinsang nakakasama ko lagi kaya hindi naman ako nakaranas ng lungkot dito sa bahay. Ayaw ko ng nag-iisa lagi, malungkot yun. Parang ngayong gabi... Nabibingi ako sa katahimikan. Tapos pag minalas pa e hindi ako dadalawin ni antok. Haaayyy... Kung anu-ano tuloy naiisip ko. Minsan naisip ko lumabas na lang ako ng bahay, humiga sa kalsada at hintaying sagasaan na lang ako ng trak. Pero naisip ko rin kasi na SAYANG . . . ANGGWAPO KO PA NAMAN. hehehe... Makatulog na nga! Zzzzzz . . . .
Ako si Lemuel. ang bagong pang-gulo sa blog . . .

Abangan ang mga mangyayari!!!!