Monday, February 1, 2010

AMBOT SA EMO










Sa loob ng isang maliit na kwarto, naroon ako at nakahiga, malalim ang iniisip. Madilim ang bawat sulok ng kwarto at liwanag lang mula sa aking cellphone ang nagsisilbing buhay sa aking mga mata. Pinatugtog ang peyborit kong kanta na Can you read my mind (themesong sa pelikulang Superman) at unti unting bumabalik sa aking isip ang mga masasayang nakaraan. Simple lang naman ang mamuhay dito sa probinsya, hindi gaya ng sa maynila na bawat kilos mo ay gastos. Masaya ako at nakatapos ako sa pag-aaral at nakagraduate sa kursong Nursing. Hindi nga lang ako RN. Salamat sa ina kong nasa ibang bansa at talagang sinuportahan lahat ng pangangailangan ko kaya hindi ako nagkaproblema sa pinansyal nung akoy estudyante pa lamang. Unico iho ako ngunit marami naman akong pinsang nakakasama ko lagi kaya hindi naman ako nakaranas ng lungkot dito sa bahay. Ayaw ko ng nag-iisa lagi, malungkot yun. Parang ngayong gabi... Nabibingi ako sa katahimikan. Tapos pag minalas pa e hindi ako dadalawin ni antok. Haaayyy... Kung anu-ano tuloy naiisip ko. Minsan naisip ko lumabas na lang ako ng bahay, humiga sa kalsada at hintaying sagasaan na lang ako ng trak. Pero naisip ko rin kasi na SAYANG . . . ANGGWAPO KO PA NAMAN. hehehe... Makatulog na nga! Zzzzzz . . . .

1 comment: